Sino ang gumagamit ng HandWallet?
Mga mag-aaral sa High School
Ang HandWallet ay ginagamit ng maraming mag-aaral sa sekondarya na pinapamahalaan ang sarili nilang "pocket money" o may mga side hustle sa kanilang mga bakanteng oras. Ang mga mag-aaral na nag-download at gumamit sa programang ito ay lubos na nasisiyahan sa malinaw at madaling gamitin na interface at sa mga opyson para sa introduksyon ng mga personal na kategorya.
Mga estudyante sa Unibersidad
Ang HandWallet na software ay labis na sikat sa mga mag-aaral na kailangang pamahalaan ang kanilang mga "limitadong" badyet at kailangang panatilihin ang istriktong pangangasiwa sa kanilang mga kita at gastos. Libu-libong estudyante sa buong mundo ang nag-download na ng HandWallet at regular na naglalagay dito ng datos. Nakatatanggap kami ng maraming liham at mga referral buwan-buwan mula sa mga mag-aaral na humihiling ng mga espesyal na pagbabago at pagdagdag ng mga katangian na akma para sa istilo ng pamumuhay ng isang estudyante —magkasamang panunuluyan sa iisang bubong, pamamahagi ng mga pagbayad para sa mga bayarin sa Unibersidad, mga iskolarsip, mga diskwento, atbp.
Mga pamilya
Ang pangangailangang mag-ipon at matalinong pamamahala sa aspeto ng pananalapi ng isang pamilya ay mas mahalaga na ngayon kaysa dati. Nagiging klaro na ang pagplaplano sa aspeto ng pananalapi ng karaniwang pamilya ay kumplikado at hindi gaanong naiiba sa pamamahala ng isang negosyo: ang isang pamilya ay may permanente at manaka-nakang mga gastos para sa iba't ibang mga bagay at may permanente at paminsan-minsang mga kita mula sa iba't ibang mga mapagkukunan. Lalong nagiging kumplikado ang mga bagay dahil ang karamihan sa mga pamilya ay may hawak na maraming bank account at iilang mga credit card, at ang mga kita at gastos ay nanggagaling mula sa lahat ng miyembro ng pamilya. Libu-libong pamilya na ang pumili sa HandWallet bilang isang mahalagang programa para sa pamamahala ng kanilang pananalapi. Pagkatapos lamang ng maikling panahon ng paggamit, maraming indibidwal na ang nag-ulat na mas napabuti nila ang kanilang istilo sa pamamahala sa pananalapi, nagkaroon ng mas mahusay na kontrol sa kanilang mga bank account, nakatuklas ng mga maling transaksyon sa kanilang mga debit, at hindi na nagugulat nang husto sa araw ng pag-debit ng kanilang mga credit card. Nagagawa na nilang maiwasan o bawasan ang mga overdraft at may mas mahusay ng kakayahan sa pagtutok sa mga bagay na "nakakaubos" ng badyet.Mga manlalakbay at mga nananatili sa ibang bansa
Ang HandWallet Pro ay isang walang katulad na kagamitan para sa mga manlalakbay at sa mga nananatili sa ibang bansa. Gamit ang HandWallet, naging posibleng malaman kung magkano ang kabuuang mga gastos para sa panunuluyan, pagkain, o pagpasok sa mga site sa anumang partikular na pagkakataon, kahit na sa paglalakbay mula sa isang estado patungo sa kabilang estado. Maaari mong tingnan ang lahat ng iyong mga gastos sa perang Dolyar, nang hindi na kinakailangang abalahin pa ang iyong sarili sa mga rate ng palitan at hindi na kinakailangang tandaan pa kung ano ang rate para sa bawat panahon ng paglalakbay. Kung maraming mga indibidwal ang magkasamang naglalakbay, ang lahat ng accounting para sa bawat miyembro ay maaaring kalkulahin sa tulong ng HandWallet Pro.