Sikolohiya ng pamamahala ng gastos
Ang ating pag-uugali pagdating sa pananalapi ay patuloy na hinihimok ng dalawang magkasalungat na puwersa: ang tuksong bumili at gumastos ng pera na taliwas sa takot na maubusan ang pera.
Tutulungan ka ng HandWallet na mas makilala pa ang iyong sarili, maunawaan at balansehin ang dalawang puwersa sa iyong sarili, at dalhin ka sa isang estado na may mas mahusay na personal na balanse sa pagitan ng dalawang puwersang ito. Gamit ang programang ito, magkakaroon ka ng mas maraming available na kita, at matutulungan kang gawin ang iyong mga paggastos sa mas episyenteng paraan. Ang resulta ng mga ito ay "mas maraming pera", o sa madaling salita ay isang mas mahusay na estado ng personal na balanse.
Bagama't hindi ito magdadala sa iyo ng kasiyahan (naniniwala kami na ang kasiyahan ay isang panloob na elemento na hindi nakasalalay sa anumang bagay, tiyak na hindi sa materyal na mga bagay), magbibigay daan ito sa iyo upang mas ikalugod mo ang proseso ng pagbili at mailaan mo ang iyong oras para sa mas mahalagang trabaho kaysa makipagtalo sa clerk sa bangko.
Tutulungan ka ng HandWallet na mas makilala pa ang iyong sarili, maunawaan at balansehin ang dalawang puwersa sa iyong sarili, at dalhin ka sa isang estado na may mas mahusay na personal na balanse sa pagitan ng dalawang puwersang ito. Gamit ang programang ito, magkakaroon ka ng mas maraming available na kita, at matutulungan kang gawin ang iyong mga paggastos sa mas episyenteng paraan. Ang resulta ng mga ito ay "mas maraming pera", o sa madaling salita ay isang mas mahusay na estado ng personal na balanse.
Bagama't hindi ito magdadala sa iyo ng kasiyahan (naniniwala kami na ang kasiyahan ay isang panloob na elemento na hindi nakasalalay sa anumang bagay, tiyak na hindi sa materyal na mga bagay), magbibigay daan ito sa iyo upang mas ikalugod mo ang proseso ng pagbili at mailaan mo ang iyong oras para sa mas mahalagang trabaho kaysa makipagtalo sa clerk sa bangko.
Ang Temptasyon na Bumili . . .
Ang walang katapusang pangangailangan na gumastos ng pera ay madaling maunawaan. Nagmumula ito sa maraming dahilan kung saan nakahimlay ang masaganang mundo na ating ginagalawan, ang kulturang Kanluranin kung saan tayo namulat, ang iba't ibang mga patalastas na puspusang inaagaw ang ating atensyon, at ang mapagkumpitensya at mapaghambing na bahagi ng ating mga karakter.Ang unang hakbang ay ang intindihin ang tukso na bumili at hindi ang isawalang bahala lamang ito. Ang tuksong bumili ay parehong mabuti at natural. Ito ay nagpapatunay na ang isang bagay ay mahalaga para sa iyo at umaakit sa iyo.
Maaari kang maging isang taong lubhang naaakit sa kompyuter (na "handang mamatay" upang malaro ang pinakabagong modelo na kalalabas lang sa merkado) o isang pusturiyosong bata (na "handang mamatay" upang masubukan ang pinakabagong linya ng mga swimsuit na kalalabas lang sa fashion channel). Maaaring mahilig ka sa kainan ( na nakaharap sa isang espesyal na kainan) o isang kolektor ng insekto ( na nakaharap sa isang bihirang uri). . .
Ito ay hindi mapipigilang lumitaw na may kasamang mga linya, na kagaya ng "Kailangan kong makuha ito" "Ito na nga mismo ang hinahanap ko", at ito ay kadalasang sinasabayan ng pagpapatahimik sa kabilang puwersa: "May natanggap kaming pera medyo bago lang", "Kaya kong bilhin ito", "Wala kaming masiyadong binili nitong nakaraang buwan, deserve namin na bumili naman ngayon".
Ang Takot na Maubos ang Pera
Ito ay madali lang din maintindihan. Nagmumula ito (nakakagulat!) sa parehas din na dahilan, mula sa kasaganaan ng mundo, sa kulturang Kanluranin, sa parehong mga patalastas, mga binibenta ng pautang, at mga sopistikadong pamamaraan ng pagbebenta..Noong panahon na tayo ay nabubuhay pa sa pamamagitan ng agrikultura, alam natin kung ano ang mayroon tayo. Ngayon ay napipilitan tayong harapin ang iba't ibang hindi klaro at nakakalitong mga termino: utang, interes, overdraft, pondo, linkage... at ito ay nakapanlilinlang, at minsan ay nakaka-pressure pa.
Kapag naunawaan na natin ang tukso na bumili, ang ikalawang hakbang ay intindihin ang takot na maubusan ng pera at huwag ang isawalang bahala lamang ito. Makatotohanan ang takot na ito. Sa dulo ng lahat, ang pera ay may hangganan: hindi mahalaga kung gaano karaming hati-hating pagbayad ang ipinahintulot sa iyo, sa huli, lahat ng ito ay kailangang bayaran pa rin. Hindi mahalaga kung anong utang ang natanggap mo, mas mahirap lang ang sitwasyon mo ngayon (kung wala kang babaguhin) dahil bukod sa regular na gastusin mo ay kailangan mo pa itong bayaran. . .
Hindi mahalaga kung ano ang iyong mga kita - dahil ang iyong mga gastos at antas ng pamumuhay ay palaging naaayon dito. Hindi rin mahalaga kung ano na ang iyong katayuan at kung gaano ka na kalayo o katatag - palaging mananatili ang parehas na pakiramdam, sa usapin na may kaugnayan sa iba't ibang mga bagay at iba't ibang mga kabuuan.
Ano ang Dapat Mong Gawin? HandWallet
Palakihin natin ang halaga ng pera -Sa pamamagitan ng paghahanap sa lahat ng mga pagkakamali, sa mga dobleng pagbayad, at sa mga mapanlinlang na transaksyon na maaaring nangyayari sa ating mga credit card.
Sa pamamagitan ng pagtigil sa mga gastos na mapapatunayang mahal at hindi nagbibigay sa atin ng kasiyahan.
Ginagawa ko naman ito. Bakit ko pa kailangan ang HandWallet?
Siguro. Ngunit pinaghirapan mo ito. At nilabanan mo ang iyong sarili. Sa madaling salita hindi ka nagiging totoo dahil sa dalawang pwersang nagdidigmaan sa loob mo.
Nangangahulugan ba ito na kinakailangan kong ilagay ang bawat sentimo na gagastusin ko sa app na ito?
Syempre hindi. Ang mga maliliit na gastos na hindi naiipon (kapaki-pakinabang, sa simula, upang suriin ito) ay karaniwang hindi makabuluhan at samakatuwid ay hindi ito magdudulot ng anumang makabuluhang pagtitipid. Nasa sa iyo ang desisyon kung ano ang ilalagay mo at ano ang hindi.
At saka, karamihan sa mga gastusin ay direktang ia-update mula sa mga Internet site ng iba't ibang mga bangko at credit card, at ang tanging gagawin na lamang ay ang kumpirmahin ang mga ito at ilagay ang mga ito sa isang kategorya (kung nais mong gawin ito). Ang aksyong ito ay tatagal lamang ng ilang minuto bawat buwan at papalitan nito ang pagsuri mo sa mga data sheet na natatanggap mula sa post, na tatrabahuin mo rin naman.